Wasak na mga Signs

Muli ito ay isang inspirasyon mula kay Sir Lourd de Veyra.

Inaalay para sa mga mahilig magbasa ng kung ano-ano, sa mga follower na nag unfollow at muling nagfollow (parang eleksyon lang, re-elect), para sa mga may summer class gaya ko, para sa mga mahilig tumambay at magpuyat sa piling ng mga lamok, para sa mga fans ng pbb teen edition na nagsasabing “Ang ganda ng PBB kasi ang “gwapo” at “ganda” nila sa mata.”, para sa mga fans ng BMEG at TNT, para sa mga nag-iisip kay Maria Ozawa, para sa mga nag-iisip na nagriritwal si Maria Ozawa, para sa mga araw-araw na badtrip at nagsasabing “Putang Ina! ang Inet!”, at belated happy bday kay “bossing” Mwah mwah tsup tsup.

(Taimtim akong nagdadasal na sana hindi ka makornihan sa introduction)

Saan ka? Kampihan na.

“Buhwal Mhugthapown ng Buhzhura Hir XD”

Ramdam na ramdam ng pader na ito ang epekto ng linggwahe ng mga “jejemons”. Siguro isang binatilyong jejemon na bisaya ang gumawa nito, malamang binasted siya ng nililigawan niya at dahil depressed naisipan niyang isulat ito. At kahit hindi na masyadong napapag-usapan ay nakapag-iwan ng bakas ang taong nagsulat nito tungkol sa mga jejemons noon. Siguro ilang panahon pa, madidiskubre ito ng mga historian at gagawing isang importanteng alaala gaya ng mga pader sa intramuros na nagpapa-alala na minsan ay may kakaibang linggwaheng ginamit ang mga kabataan sa bayan natin.

“Babala: Sa mga sumisilipsilip may 2 iresponsableng gun owners na maraming bala ang naninirahan dito.”

Aminin mo, curious ka kung ano yung sinisilip o misteryosong ginagawa sa likod ng sign na ito? Ganito kasi ang kwento niyan, may magkapatid na nakatira diyan, isang araw may inuwi sila diyan na isang magandang babae na artistahin. Hawig ni Angel Locsin nung darna pa siya, yung buhok naman parang kay Kim Chiu sa shampoo commercial, parang labi ni Anne Curtis. Isang hapon habang may isang barkada ang nakatambay sa tapat ng bahay nila. May kakaibang ungol silang nadinig, parang nasasayahan na nagmamakaawa sa sobrang sarap. Edi sumilip sila, tapos biglang nagtakbuhan. Gusto mo bang malaman kung ano? Sige silipin mo kaya lang may 2 iresponsableng gun owners na maraming bala ang naninirahan dito baka matsambahan ka. Goodluck na lang sayo.

“Pag-utang Bait, Pag singil Galit, Pag hanap Tago, Pag salubong Liko, Kaya WALANG PAUTANG”

Ang nabasa mo ay ang siklo na pagpapautang. Tipong pag mangungutang eh parang tupa sa sobrang bait puro po at opo ang lumalabas sa bibig. Kulang na lang eh belo sa ulo para magmukhang anghel, tapos pag siningil na, eto na ang linya. “Eh sa wala nga akong pera, Ang kulet niyo ah? Gusto niyo bang pahabol ko pa kayo sa aso namin? magwawala ako dito. Bumalik kayo sa ibang araw!”. Edi bumalik sa ibang araw. Pag hinanap sa kung sino mang kasambahay, eto ang linya. “Wala pa po eh, nagbakasyon po sa Iraq. Baka sa end of the world na daw po siya bumalik? Sensya na po ah?”. Tapos pag hinintay mo sa eskinita o lugar na karaniwang dinadaan niya. Magugulat ka dahil biglang liliko o babalik sa pinanggalingan at iikot ng pagkalayo-layo at kunwari hindi ka nakita. Kung ikaw ang nagpapautang. Payo lang. Magpaskil ka na nito sa hrap ng pinto niyo.

“Ang Yosi, Bow”

Sulit na sulit ang 2 piso mo. Akalain mo? package na pala yun? mahal kaya lahat ng chemical diyan pag binili mo, bawal pa ang tinge. Pero sa halagang dos e makukuha mo yan. Ipagbunyi at MABUHAY ang lahat ng hithit buga.

“Maging Tapat ka kaibigan. Pareho pareho tayong biktima ng kahirapan”

Galing ito kay “Hiddenpsycho”. Salamat sa wasak na sign na ito.

Pero kung iisipin mong mabuti. Maraming gamit ang sign na ito. Pag nangopya ang klasmeyt mo. Sabihan mo lang na “Maging tapat ka kaibigan, pareho tayong biktima ng kahirapan”. Kung maisipan mong mag wantutri sa kahit anong transportasyon. Sana mabasa mo to at baka makonsensya ka. Baka magbayad ka pa ng sobra dahil sa kalabit na ginawa nito sa puso mo. At dapat ipaskil ito sa lahat ng bahay ng politiko dito sa atin.

“You can love your country. Without having to love your government”

Wasak na wasak. Imbis na magvandal ka ng mga “tuti love junjun”, “I lab Kpop pilipins” at “mahal ko si inday” dapat ganitong klaseng kaisipan ang palaganapin natin. Self explanatory. Ramdam mo naman eh. Mahalin natin ang ating bansa ng walang pagiimbot at buong katapatan. Iaalay mo ang iyong buhay. Sikapin mong maging isang tunay na pilipino. Sa isip, sa salita at sa gawa.

Related Posts :



No comments:

Post a Comment